dzme1530.ph

Official visit ni PBBM sa USA, aarangkada mula April 30-May 4

Aarangkada sa loob ng limang araw ang official visit ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa America.

Ito ay sa harap ng nakatakdang bilateral meeting ni Marcos kay US President Joe Biden sa White House sa May 1, o May 2, dito sa Pilipinas.

Ayon sa Presidential Communications Office, aalis ng bansa ang Pangulo sa Abril 30, at babalik ito sa May 4.

Pinaka-una sa schedules ng Pangulo ang meeting kay Biden, at susundan ito ng expanded meeting kasama ang mga miyembro ng gabinete.

Ang US visit ay inaasahang mas magpapatibay pa sa relasyon at political ties, at magpapalakas sa defense and security cooperation.

Nakikita ring isusulong ni Marcos ang socio-economic at development priorities, at pagtutulungan sa mga larangan ng agrikultura, enerhiya, climate change, digital transformation and technology, humanitarian assistance and disaster relief, supply chains, at imprastraktura. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author