dzme1530.ph

OCD, umapela sa mga tao na itigil ang paghahanap ng ginto sa gumuhong lupa sa Davao de Oro

Nanawagan ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga taong napaulat na naghahanap ng ginto sa gumuhong lupa sa Maco, Davao de Oro na huwag munang sumabay sa search, rescue and retrieval operations.

Binigyan diin ni OCD spokesperson Edgar Posadas, na mas importante ang paghahanap sa mga nawawalang indibidwal kaysa sa paghahanap ng ginto.

Sinabi ni Posadas, na oras ang kanilang hinahabol para sa survivors at kung may marekober man silang bangkay ay maibalik agad ito sa pamilya ng biktima.

Una nang napaulat na dumagsa ang mga tao sa kalapit na ilog nang mabalitaan na may mga naanod na ginto mula sa bukid. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author