dzme1530.ph

OCD, naka-alerto na dahil sa bagyong Amang

Naka-Blue alert na ang Office of Civil Defense (OCD) dahil sa bagyong Amang.

Ibig sabihin nito 24-oras nang nakamonitor ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makapagbigay ng agarang tulong sa maapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Office of Civil Defense spokesperson ASec. Raffy Alejandro, may posibilidad na itaas sa Red Alert ang status, depende aniya sa magiging epekto ng Tropical Depression Amang.

Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng OCD ang weather bulletin na inilalabas ng PAGASA.

Sa pinakahuling weather update ng PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 60 kilometro.

About The Author