dzme1530.ph

Obispo ng CBCP, hinimok ang taumbayan na huwag pumirma sa Peoples Initiative para sa Charter Change

Umaapela sa taumbayan ang isang Obispo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines na huwag pumirma sa Peoples Initiative na isinusulong ngayon ng Kamara para palitan ang Saligang Batas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Broderick Pabillo, Archdiocese ng Taytay Palawan, hindi ang taumbayan ang nagsusulong ng Charter Change kundi ang mga pulitiko lamang.

Hindi aniya katanggap-tanggap ang hakbang na ito dahil binalewala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Senado bilang hiwalay na boboto sa Chacha.

Sinasamantala din daw ng mga pulitiko ang ayuda bilang panuhol sa pagpapapirma ng petisyon.

May hinala din ang Obispo, posibleng gamitin din ang mga Barangay Assembly para palabasin na nagkaroon ng konsultasyon sa mga botante. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author