Nanindigan ang National Water Resources Board (NWRB) na may sapat na suplay ng tubig sa Metro Manila para sa panahon ng tag-init.
Ayon kay NWRBexecutive director Sevillo David Jr., nasa 197.29 meters o normal na lebel pa ang tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig ng Metro Manila.
Sa kabila nito, binigyang-diin ng NWRB na kailangan pa ring magtipid ng tubig dahil sa inaasahang pagtama ng El Niño o matinding tagtuyot sa bansa.
Samantala, tiniyak din ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), na magiging normal ang suplay ng tubig ngayong linggo.
Ginawa ng MWSS ang pahayag matapos muling itaas ng National Water Resources Board (NWRB) ang water allocation sa MWSS concessionaires para sa natitirang bahagi ng Abril.
Una nang sinabi ng NWRB na inaprubahan nito ang 52 cubic meters per second (cms) na alokasyon sa MWSS para sa Abril 16 hanggang 30, 2023.