Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority MMDA na ipinatutupad na muli ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme ngayong araw ng Martes, January 2, 2024.
Iiral ang number coding mula 7 am – 10 am at 5 pm – 8 pm mula Lunes hanggang Biyernes, maliban tuwing holidays.
Sa ilalim nito, bawal bumiyahe ang mga sasakyan na may plakang nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng coding tuwing Lunes, 3 at 4 tuwing Martes, 5 at 6 tuwing Miyerkules, 7 at 8 tuwing Huwebes at 9 at 0 tuwing Biyernes.
Exempted naman sa coding ang mga pampublikong sasakyan, transport network vehicles services (TNVS), motorsiklo, truck ng basura, marked government vehicle, truck ng petrolyo, marked vehicle ng media, truck ng bumbero, ambulansya, at sasakyang may dalang mga essential goods. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News