Unti-unti na namang lumilitaw ang anino ng Nuclear War.
Ito ang inihayag ni United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-78 taong anibersaryo ng Hiroshima Atomic Bombing.
Ayon kay Guterres, kawalan ng tiwala at pagkakawatak-watak ng ilang bansa ang nakikita niyang dahilan kung kaya nagbabanta ang mga ito na gumamit ng nuclear weapons.
Aniya hindi titigil ang un hanggat hindi tuluyang nawawala ang banta ng nuclear war sa mundo.
Nabatid na halos 400,000 ang bilang ng mga nasawi sa naganap na atomic bombing sa Hiroshima at Nagasaki bago matapos ang World War 2 noong taong 1945. —sa panulat ni Jam Tarrayo