dzme1530.ph

Nuclear energy roadmap ng bansa, inaasahang maku-kumpleto ngayong 2023

Inaasahan ng pamahalaan na maisasapinal ang nuclear energy Roadmap ng bansa bago matapos ang 2023.

Sinabi ni Energy Assistant Secretary Mylene Capongol na nire-review ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) ang 19 infrastructure issues sa pag-develop ng nuclear power.

Kabilang aniya rito ang “nuclear safety, infrastructure or connectivity, safety and spent fuel management.”

Inihayag ni Capongol na kailangang pag-aralan itong mabuti at dapat ay magkaroon ng transparency sa site selection at public perception. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author