Patuloy na pinag-aaralan ng National Telecommunications Commission ang posibleng pagpapalawig ng SIM Registration.
Ito’y matapos himukin ng mga Telecommunications Company ang gobyerno na palawigin ang deadline dahil sa kakulangan ng identification cards o IDs at digital capabilities na hadlang sa pagpaparehistro ng SIM.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, magkakasa sila ng serye ng pagpupulong ngayong linggo kasama ang mga Telcos at DICT upang talakayin kung kinakailangan pang i-extend ang SIM Registration na nakatakdang magtapos sa April 26.
Batay sa sim Registration Law, magreresulta sa automatic deactivation ang mga SIM card na hindi mai-rerehistro ng mga end-user.