dzme1530.ph

NTC, ginawang mandatoryo ang live selfie sa SIM Registration

Ginawa nang mandatoryo ng National Telecommunications Commission (NTC) ang pagkuha ng live selfie sa mga magpaparehistro ng kanilang SIM Card.

Base sa Memorandum Order ng komisyon, obligado ang mga telecommunication company na isama ang live selfies bilang requirement sa SIM Registration.

Bukod dito, kasado na rin ang flagging system ng NTC kung saan maaaring i-report ng telcos ang mga aplikante na magrerehistro ng limang SIM card pataas gayundin ang mga negosyo na magpapatala ng mahigit 100 sim.

Babala ng ahensya, posibleng maharap sa immediate hearing o ma-deactivate ang account ng mobile user sa oras na mapatunayan na hindi tugma ang kanilang impormasyon sa identification document.

About The Author