Ilang ahensya ng pamahalaan ang iminungkahing isama sa ban sa paggamit ng social media platform na TikTok na pag-aari ng isang Chinese company.
Ayon kay National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, kabilang sa mga ahensya na posibleng isama sa ban ay ang Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation.
Ito aniya ay dahil bahagi ang mga ito ng Department of Justice, na nasa law enforcement.
Una nang inihayag ng NSC na pinag-aaralan nilang ipagbawal ang paggamit ng TikTok sa uniformed personnel ng pamahalaan upang maiwasan ang posibleng “data leak.” —sa panulat ni Lea Soriano