Iniulat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasawata na ang lahat ng aktibong guerilla fronts ng New People’s Army sa bansa.
Ayon sa Pangulo, As of Dec. 2023 ay wala nang naitalang active guerilla front, matapos umanong mapag-usapan ang internal security threats kasama ang Dep’t of National Defense, Armed Forces of the Philippines, at Philippine National Police.
Sinabi ni Marcos na noong nakaraang taon ay na-neutralize ang 1,399 miyembro ng communist at local terrorist groups, at nabawi ang kabuuang 1,751 na mga armas.
Pinuri naman ng Chief Executive ang magandang performance ng mga sundalo, mga pulis, at ang maayos na koornidasyon ng DND at intelligence agencies tungo sa matagumpay na kampanya kontra internal terrorism.
Ang ulat ng Pangulo ay inilabas sa harap ng binuksang peace talks sa mga komunistang grupo. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News