dzme1530.ph

November inflation, tinaya ng BSP sa 4% hanggang 4.8%

Tinaya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 4% hanggang 4.8% ang inflation sa nakalipas na buwan ng Nobyembre.

Ayon sa BSP, ang tumaas na presyo ng bigas, prutas, isda, at karne, maging ang adjustments sa kuryente, LPG, at toll rates ang primary sources ng upward price pressures noong nakaraang buwan.

Inaasahang ilalabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang official inflation data sa Martes.

Noong Oktubre ay bumagal sa 4.9% ang inflation makaraang bumilis sa naunang dalawang buwan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author