dzme1530.ph

Nora Aunor,ginunita ang kaniyang 70th birthday kasama ang limang anak

Ipinagdiwang ni National Artist Nora Aunor ang kanyang ika-70 kaarawan sa pamamagitan ng “rare” o bibiharang family reunion, kung saan ipinagdasal na magkaroon siya ng extended life at good health.

Lahat ng limang anak ni Nora at kanilang pamilya ay present sa ’70s-themed party, na kinabibilangan nila Ian de Leon, Lotlot de Leon, Matet de Leon, pati na sina Kiko at Kenneth.

Dati nang nawalay sa kanilang ina, inihayag nina Lotlot, Matet, at Ian ang kanilang unconditional love kay ate Guy, na pinasalamatan naman ang kanyang mga anak na hindi nang-iwan sa kanya, lalo na nang malagay siya sa kritikal na kondisyon bunsod ng respiratory illnes.

Ang wish naman ng superstar ay humaba pa ang kanyang buhay, makagawa pa ng mga proyekto, at makatulong sa mga nangangailangan.

About The Author