dzme1530.ph

No Filipino casualty reported in Baltimore bridge collapse —PH Embassy

Walang Pilipinong nasawi o nasugatan sa pagguho ng Francis Scott Key Bridge sa Baltimore, ayon sa Philippine Embassy sa Washington DC.

Sinabi ni Consul Mark Dominic Lim ng Public Diplomacy Section ng Philippine Embassy sa Washington DC, na walang pinoy na nadamay sa insidente at patuloy ang isinasagawang close monitoring sa lugar

Inaalam na din aniya ng embahada kung may Tripulanteng Pinoy na lulan ang singaporean cargo ship na bumangga sa tulay.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng state of emergency ang Maryland at Baltimore habang nagpapatuloy ang search and rescue operations sa mga nawawalang biktima.

About The Author