dzme1530.ph

NLEX-SLEX connector, maniningil na ng toll sa Aug. 8

Simula sa August 8, araw ng Martes, obligado nang magbayad ng toll fees ang mga motorista na dumadaan sa NLEX-SLEX connector – ang expressway sa pagitan ng Caloocan City (C3) at España Boulevard sa Maynila.

Ang Class 1 vehicles o mga kotse at SUVs, ay sisingilin ng P86 habang ang Class 2 vehicles gaya ng mini vans at bus kailangang magbayad ng P215.

Samantala, ang Class 3 vehicles na kinabibilangan ng malalaking truck at trailers ay sisingilin ng P302. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author