Pinagpapaliwanag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang National Grid Corp. of the Philippines kaugnay sa hindi pa nakukumpletong 37 electrification at power transmission projects sa buong bansa.
Kaugnay nito, binigyan ng ERC ang NGCP ng 15-araw para magpaliwanag kung bakit hindi dapat maharap sa administrative penalty hinggil sa mga naantalang proyekto.
Una nang sinabi ng NGCP noong Mayo na hindi dapat sisihin ang delayed projects nito, na ang ilan ay natigil dahil sa COVID-19 restrictions at Right-of-way issues.
Matatandaang hinimok ng ilang senador ang ERC na i-refund ang P2.75 per kilowatt hour na singil sa kuryente ng NGCP sa mga consumer dahil sa umano’y hindi natapos na mga proyekto. —sa panulat ni Airiam Sancho