Gaya ng tinuran ng Pang. Bongbong Marcos sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, prayoridad ngayon ng National Grid Corporation na matapos sa lalong madaling panahon ang Visayas – Mindanao Transmission Interconnection Project.
Pati na ang Stage 3 ng Cebu – Panay – Negros Interconnection Project.
Nanawagan din ang NGCP sa mga local government units at mga pribadong stakeholders na aprubahan sa lalong madaling panahon ang mga Right-of-Way issues na karaniwang nagiging dahilan ng pagbagal ng mga proyekto ng NGCP.
Kinakailangan ang nagkakaisang pagkilos mula sa NGCP at lahat ng mga transmission stakeholders.
Alinsunod din sa kagustuhan ni PBBM na palakasin pang lalo ang pamumuhunan at paggamit ng mga renewable energy, nangangailangan ngayon ang NGCP ng higit na suportang teknikal mula sa State Grid Corporation of China para sa Renewable Energy Integration.
Nagpapatuloy pa rin ang pagsisikap ng NGCP na patatagin ang mga transmission lines at transmission facilities para maiwasan ang malalang epekto ng mga kalamidad sa bansa.