dzme1530.ph

NGCP, gigisahin ng Senado sa power outage sa Panay Island

Aarangkada mamayang ala-1 ng hapon ang pagdinig ng Senado  kaugnay sa malawakang power outage sa Panay Island.

Pangungunahan ni Senate Committee on Energy chairman Raffy Tulfo ang investigation in aid of legislation sa kakapusan ng suplay ng kuryenye sa Panay Island.

Batay na rin ito sa mga resolution na inihain ng ilang senador tungkol sa malawakang kawalan ng kuryente  nakaperwisyo sa mga residente at maging sa mga negosyo doon.

Sisilipin din ng kumite ang patuloy na blackout sa Iloilo, operasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), power outages dulot ng pagpalya sa transmission system at plano ng Department of Energy na makapagbigay ng pangmatagalang solusyon sa suplay ng kuryente.

Samantala, plano rin ni Senate Committee on Public Services chairperson Grace Poe na rebyuhin ang prangkisa ng NGCP dahil sa paulit ulit na mga insidente ng power outages. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author