Inumpisahan na ng National Food Authority (NFA) na bumili ng palay sa halagang P23 kada kilo.
Ayon sa NFA, naipamahagi na sa kanilang mga sangay ang guidelines at na-download na ang pondo sa kanilang buying stations.
Idinagdag ng ahensya na kasisimula pa lamang ng main harvest season at karamihan sa rice millers ay bumibili ng palay sa halagang P24 hanggang P25 kada kilo na mas mataas sa presyo ng NFA.
Ipinaliwanag ng NFA na wala namang problema dahil kailangang agad suplayan ng rice millers ang kanilang customers habang ang NFA ay gagamitin ang palay bilang buffer stock. —sa panulat ni Lea Soriano