dzme1530.ph

NFA, iniimbestigahan ang ipinamahaging “inedible” o hindi makain na bigas sa mga guro sa Nueva Ecija

Umaksyon na ang National Food Authority sa Region 3 o Central Luzon hinggil sa umano’y pamamahagi ng poor-quality o inedible rice para sa one-time rice assistance sa mga empleyado ng Department of Education sa Nueva Ecija.

Sinabi ng ahensya na nagsagawa na ng laboratory tests at imbestigasyon upang maberipika kung totoo ang naturang reklamo.

Inihayag ng NFA na sa mga isinagawa namang interviews ay wala silang natanggap na negative feedback sa mga ipinamahaging bigas at sa halip ay pasasalamat ang isinukli SA kanila.

Idinagdag ng ahensya na nakapag-secure din sila ng certification mula sa agency-beneficiaries na nagsasaad na lahat ng NFA rice stocks na kanilang natanggap ay good quality at eksakto sa timbang.

Binigyang diin naman ng NFA na may ilang hindi maiiwasang kaso na posibleng napalitan ang orders, kasabay ng pagtiyak na handa ang NFA Region 3 na palitan agad ang mga hindi makain na bigas sa concerned agency-beneficiaries. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author