dzme1530.ph

NFA, iminungkahi ang pag-iimport ng 330,000 MT ng bigas!

Iminungkahi ng National Food Authority ang pag-aangkat ng 330,000 metric tons ng bigas.

Ayon sa NFA, ito ay upang matustusan ang kina-kailangang buffer stock para sa relief operations sa mga kalamidad ngayong taon.

Sinabi ng ahensya na ang importation ay maaaring idaan sa Gov’t-to-Gov’t transactions, sa pamamagitan ng Office of the President o anumang itatalagang ahensya.

Ipinaliwanag naman ng Dep’t of Agriculture na ang 330,000 metric tons na bigas ay sasapat na buffer stock para sa siyam na araw na consumption ng buong bansa, at masisiguro nito ang sapat na suplay para sa calamity at relief operations mula Hulyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Matatandaang sa ilalim ng Rice Tariffication Act, tinanggalan ng regulatory at import licensing issuance functions ang NFA upang bigyang daan ang malayang importasyon ng bigas.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author