dzme1530.ph

Net income ng NLEX Corp. lumobo sa ₱8-B noong 2022

Lumobo sa 35% ang net income ng NLEX Corporation noong nakaraang taon dahil sa toll rate adjustments at mataas na vehicle traffic bunsod ng pagluluwag ng mobility restriction.

Ayon sa pamunuan ng North Luzon Expressway at Subic Clark-Tarlac Expressway, nakapagtala sila ng revenue na ₱8-B noong 2022, mas mataas kumpara sa ₱5.91-B noong 2021.

Dahil diyan, sumampa sa ₱18.2-B ang consolidated net income noong nakaraang taon.

Samantala, umabot sa 287, 628 ang daily average traffic o mga sasakyang dumadaan sa NLEX, habang 72, 403 vehicles naman sa SCTEX.

About The Author