dzme1530.ph

Negosasyon para sa bilateral defense agreement ng Pilipinas at Japan, sisimulan na!

Nagkasundo na ang Japan at Pilipinas na simulan ang pagbuo ng Reciprocal Access Agreement, o ang Bilateral Defense and Security Cooperation.

Ito ay kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ayon kay Kishida, ipagpapatuloy nila ang kooperasyon upang mapalakas ang maritime enforcement ng Pilipinas kabilang ang pagkakaloob ng patrol vessels, defense equipment, at technology cooperation kabilang na ang control radar.

Sinabi pa ni Kishida na palalawakin din ang trilateral cooperation sa pagitan ng Japan, Estados Unidos, at Pilipinas.

Naniniwala naman si Marcos sa benepisyo ng RAA para sa pagpapanatili ng kapayapaan at stability sa rehiyon.

Sa ilalim ng RAA, magpapalitan ang dalawang magkatuwang na bansa ng military training at operations, at bubuuin din ang framework para sa paggalaw ng military forces ng magkabilang bansa kung kina-kailangan, kasama na ang visiting military forces. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author