dzme1530.ph

NegOr Rep. Arnie Teves binigyan ng second chance

Isinaalang-alang umano ng Committee on Ethics and Privileges ang pagpapataw ng expulsion kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves dahil sa kanyang patuloy na pagliban at hindi pagtupad sa mga tungkulin nito bilang mambabatas.

Ito ayon kay Raul Angelo Bongalon, Chairman ng Komite, na kinokonsidera ang pagpapatalsik sa kongresista ngunit hindi ito iginawad sa kagustuhang mabigyan pa ito ng second chance.

Pinahahalagahan ani Bongalon ng komite ang fair treatment, due process at mga nasasakupang mamamayan ni Teves.

Matatandaang nahaharap sa panibagong 60-araw na suspensiyon si Teves at tinanggalan din ng lahat ng kanyang committee memberships sa mababang kapulungan ng kongreso.

 

About The Author