dzme1530.ph

NegOr 3rd Dist. Rep. Arnolfo Teves Jr., nangangamba sa buhay; 2 mataas na gov’t official, nais umano siyang ipapatay!

Isiniwalat ni suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., na may dalawa umanong mataas na opisyal ng gobyerno na gusto siyang ipapatay.

Sa isang panayam via Zoom, sinabi ni Teves na natanggap niya ang impormasyong ‘’kill order’’ laban sa kaniya bago pa man salakayin ng mga otoridad ang mga bahay nito sa Negros, kung saan ang tunay na plano umano ay mapatay at palabasing nanlaban ito kaya napaslang sa operasyon.

Ayon kay Teves, dahil sa planong assassination plot laban sa kaniya, nalalagay ito sa panganib kung kaya’t hindi ligtas para sa kaniya ang umuwi.

Tumanggi naman ang kongresista na tukuyin ang mga pangalan ng mga opisyal, sa pag-iingat na hindi ma-libel.

About The Author