dzme1530.ph

NEDA, naglatag ng mga hakbang para matugunan ang inaasahang epekto ng El Niño

Pataasin pa ang rice buffer stock para makasabay sa pangangailangan ng publiko, bilang paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño sa bansa sa Mayo at Hunyo.

Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Usec. Rosemarie Edillon sa pulong kasama ang Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO)

Bukod dito, pinaplano din ng NEDA ang pagpapatupad ng biosecurity, hog repopulation gayundin ang improvement at expansion ng Kadiwa program ng pamahalaan.

Ipinunto rin ng kagawaran na dapat mapabilis ang pamamahagi ng subsidiya sa mga magsasaka at mangingisda, na agarang solusyon sa inaasahang food inflation dulot ng tagtuyot.

About The Author