dzme1530.ph

NEDA, investments mula sa World Economic Forum, mararamdaman ng mga Pilipino.

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na mararamdaman ng mga Pilipino ang magandang epekto ng investments na malilikom ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Switzerland.

Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan, hindi maisasakatuparan sa loob lamang ng isang gabi ang mga investment tulad ng pagtatayo ng pabrika.

Sinabi ni Balisacan na aabutin ng ilang taon kung may mga magtatayo ng factory at bagong kalsada sa bansa.

Tiniyak naman ng NEDA na nakatutok ang gobyerno sa pagpapaunlad sa Pilipinas hindi lamang sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, kundi para sa mga susunod pang gobyerno alinsunod sa “Ambisyon Natin 2040” long-term plan.

Samantala, binigyang-diin din ni Balisacan ang kahalagahan ng pag-adapt sa makabagong teknolohiya at pagpasok ng foreign investors sa harap ng mababang produksyon sa agrikultura.

Mababatid na nakalikom na si Pangulong Marcos Jr. ng investments sa World Economic Forum, mula sa Multinational Financial Services Company na Morgan Stanley at Dubai-Based Global Logistics Provider na DP World.

About The Author