Mapanganib na kombinasyon ang El Niño at mataas na Inflation!
Ito ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) chief Arsenio Balisacan, siguradong kakapal ang volume ng mga pananim na hindi mapapakinabangan dulot ng tagtuyot o kulang na pag- ulan sa bansa na epekto ng El Nino.
Nagbabadya aniya ang pagkalugi o bumaba ang pangunahing produksyon sa sektor ng agrikultura na makakaapekto naman aniya sa ekonomiya ng bansa.
Paliwanag ni Balisacan, sakaling mangyari ito, hindi umano imposible na tumaas ang inflation o bumilis na naman ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, na tiyak na magpapahirap sa vulnerable sectors.