dzme1530.ph

NDRRMOC, naka-blue alert para sa Traslacion 2024

Isasailalim ang National Disaster Risk Reduction and Management Operation Center (NDRRMOC) sa blue alert sa January 7.

Sa isang pahayag, sinabi ng NDRRMOC na ito ay bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa Traslacion 2024 sa January 9.

Babantayan anila ng grupo ang sitwasyon sa idaraos na prusisyon, na pamumunuan ng Disaster Risk Reduction and Management Office sa Maynila.

Nabatid na muling isasagawa ang Traslacion ngayong taon matapos ipatigil noong 2021 hanggang 2023 dahil sa COVID-19 pandemic. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author