Nakataas ang blue alert sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) simula kahapon, bago ang Traslacion, bukas.
Ibig sabihin ng blue alert ay mahigpit na tinututukan ng NDRRMC Operations Center ang kaganapan at nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na may kinalaman sa aktibidad.
Ayon sa NDRRMC, activated na rin ang incident management team ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ang naturang team ang magmo-monitor at reresponde sa emergencies na mangyayari sa malawakang prusisyon sa araw ng kapistahan ng Itim na poong Nazareno. —sa panulat ni Lea Soriano