dzme1530.ph

NCSC, iminungkahi ang pagkakaroon ng centralized database kung tatanggalin ang discount booklet

Iminungkahi ng National Commission of Senior Citizens(NCSC) ang pagkakaroon ng centralized database kung aalisin ang purchase booklet, bilang requirement sa pag-avail ng discounts.

Ipinunto ni NCSC Chairperson Franklin Quijano ang kahalagahan ng naturang booklet kung saan, ito aniya ay nagsisilbi bilang record upang maiwasan ang labis na pagbili at pag-abuso sa discount benefits.

Inihalimbawa ni Quijano ang mga pasyente na baka bumili ng labis-labis na gamot, mag-overdose, o kaya naman ay gawin itong negosyo.

Subalit, kung mayroon aniyang centralized database, gaya ng paggamit ng QR code sa identification, makokontrol nito ang pagbili nang walang booklet.

Una nang ipinanawagan ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang pagtanggal ng purchase booklet para makakuha ng 20% discount, dahil wala aniya itong pakinabang at dagdag-pasanin lamang ng sa mga senior citizen. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author