dzme1530.ph

NCRPO tiniyak ang kahandaan sa SONA 2023 ni PBBM

Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kahandaan upang tiyaking ligtas, payapa, at maayos ang State of the Nation Address (SONA) ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gaganapin nitong darating na Hulyo 24, 2023.

Ayon Kay NCRPO Regional Director, PMGEN Edgar Alan O. Okubo, may kabuuang 22,081 na inisyal na itatalaga ngayong taon, 17,121 ang magmumula sa mga distrito ng kapulisan at mga tanggapan ng NCRPO.

4,460 naman ang manggagaling sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng mga NCRPO Regional Support Units, Aviation Security Group, Special Action Force, Joint Task Force NCR, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology,

Office of the Civil Defense, Department of Health, Metropolitan Manila Development Authority, at Philippine Red Cross.

Mayroon ding 500 na karagdagang indibidwal ang magmumula sa mga volunteer groups/force multipliers. Kasama na sa nasabing bilang ang 4,405 na bubuo sa Reactionary Standby Support Force, na siyang magsisilbing augmentation/strike force na handang magbigay ng karagdagang pwersa kung kakailanganin.

Pangunahing bibigyang pansin at seguridad ang Batasang Pambansa sa Lungsod ng Quezon kung saan gaganapin ang SONA 2023.

Ang 31 border control points na ilalatag sa mga kinilalang lugar na papasok at palabas ng kalakhang Maynila.

Nakahanda na rin ang mga Civil Disturbance Management (CDM) contingents, kung sakaling may mga grupong magsasagawa ng di-mapayapang kilos-protesta sa mga ipinagbabawal na lugar, upang maiwasan ang anumang banta sa kaligtasan ng publiko. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author