dzme1530.ph

NBA Superstars Lebron James at Steph Curry, interesadong sumali sa Paris Olympics

Kabilang ang NBA Superstars na sina Lebron James at Steph Curry sa mga top players na planong lumahok para sa Team USA sa 2024 Paris Olympics.

Ayon sa sports website na The Athletic, ang two-time Olympic Champion at four-time NBA Champion na si James ay nire-recruit para sa US Squad upang masungkit ang ika-5 sunod na gintong medalya sa France sa susunod na taon.

Si Curry naman na four-time NBA Champion Guard sa Golden State Warriors, ay nagpahayag ng kagustuhang maglaro sa Olympic squad na gagabayan ng warriors coach na si Steve Kerr.

Lumabas ang balita matapos umuwing walang bitbit ang US Team na may higit 20 NBA Stars mula sa FIBA World Cup matapos matalo sa nag-kampeon na Germany sa semifinal at Canada na nakasungkit ng bronze medal. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author