dzme1530.ph

NBA star Steph Curry, wagi sa American Century Championship Celebrity Golf Tournament

Panalo ang NBA star na si Steph Curry sa idinaos na American Century Championship na isang celebrity golf tournament, sa Stateline, Nevada.

Nanguna ang Golden State Warrior star sa tournament matapos ang matagumpay na hole-in-one nito sa PAR-5 18th hole, sa Edgewood Tahoe Golf Course.

Sinabi ni Curry na halos 10- taon na rin siyang naglalaro ng golf at sumasali sa nasabing tournament.

Ang napanalunang $125,000 ni Curry ay ido-donate sa charity. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author