dzme1530.ph

NBA, may bagong polisiya sa mga star player ng bawat kuponan

Magpapatupad ang National Basketball Association (NBA) ng bagong polisya na nagbabawal sa mga star player ng bawat koponan na magpahinga at lumiban sa high-profile at national televised game.

Ayon kay NBA Commissioner Adam Silver, layunin ng player resting policy (PRP) na pataasin o palakasin ang “players participation” sa pagsisimula ng 2023-2024 season, at mabigyan ng tyansa ang mga fan na mapanood ng mas matagal ang kanilang idolo.

Base sa polisiya, $100 thousand ang ipapataw sa mga manlalaro na lalabag sa unang pagkakataon, $250 thousand naman para sa second violation, at $1.25 million para sa third violation.

Samantala, sinabi ng ilang kinatawan mula sa iba’t ibang kuponan na na-uunawaan nila ang bagong polisiya, subalit, may ilang concern anila hinggil dito, partikular na ang hindi inaasahang kondisyon ng isang player sa mismong araw ng laro.  —sa panulat ni Zaine Bosch

About The Author