Handa ang NATO na magpadala ng karagdagang tropa sa Kosovo kasunod ng kaguluhan bunsod ng Appointment ng Ethnic Albanian Mayors sa Majority-Serb areas.
Sinisisi ng Pristina at Belgrade ang isa’t isa dahil sa kaguluhan, habang nanawagan ang Serbian leader na si Aleksandar Vucic ng pagpapatalsik sa mga Mayor.
Binatikos din ng US ang pagkakatalaga, kasunod ng pag-boycott ng Serb residents sa local polls.
Nagdeklara ng Independence ang Kosovo noong 2008 subalit hindi ito kinikilala ng Serbia.
Nagpadala na ang NATO ng 700 reinforcements sa Kosovo subalit sinabi ni NATO Chief Jens Stoltenberg na posibleng marami pang kailanganin. —sa panulat ni Lea Soriano