Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Remembrance Ceremony para sa SAF 44.
Sa seremonya sa PNPA Camp General Mariano N. Castañeda sa silang Cavite, pinanguhanan ng Pangulo ang wreath-laying ceremony at remembrance honors, kasabay na rin ng ika-9 na Anibersaryo ng Mamasapano clash ngayong Jan. 25.
Kasama ng Pangulo sina Executive Sec. Lucas Bersamin, DILG Sec. Benhur Abalos, PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr., at iba pang opisyal.
Dumalo at nagbigay din ng kanilang mga mensahe si Police Lt. Col. Raymund Train na isa sa mga nakaligtas sa mamasapano clash, at si Rachel Sumbilla na asawa ng nasawing SAF trooper na si PO-3 John Lloyd Sumbilla.
Sa kanyang talumpati, iginiit ng Pangulo na ang sakripisyo ng SAF 44 ay isang utang na kailanman ay hindi mababayaran. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News