dzme1530.ph

Nat’l IDs na apektado ng naganap na sunog sa MCPO, target maipamahagi ngayong buwan

Target ng Philippine Statistics Authority (PSA) na maipamahagi ngayong buwan ang mga National Identification card na naapektuhan ng sunog sa Manila Central Post Office noong Mayo.

Ayon kay PSA Deputy National Statistician Fred Sollesta, humiling na sila sa Bangko Sentral ng Pilipinas na muling mag-imprenta ng 7,500 PhilSys IDs kapalit ng mga nasunog.

Ito’y matapos makipag-ugnayan ng PSA sa PhilPost para alamin kung ilan ang mga naapektuhang I.D cards.

Nilinaw naman ni Sollesta na pawang National IDs mula sa mga residente ng Maynila ang tanging naapektuhan ng naturang sunog. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author