dzme1530.ph

National Road Championships, aarangkada sa Mayo sa Tagaytay at Batangas

Itinakda ng Philcycling ang kanilang 2023 National Championships for Road simula sa May 30 hanggang June 2 sa Tagaytay City, sa Cavite hanggang sa katabing lalawigan ng Batangas.

Itatampok sa Championships ang mga kompetisyon sa kalsada, gaya ng massed start, criterium and individual time trial for men and women elite, juniors para sa 17 to 18 years old at youth para sa 16 years old pababa.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abaraham “Bambol” Tolentino na ang National Road Championships ay pasok sa international cycling union calendar.

Ang deadline para sa registration ay sa April 30, at iaanunsyo ng Philcycling ang listahan ng mga kwalipikadong siklista sa May 5.

About The Author