dzme1530.ph

National and Regional Peace and Order Councils, pinakikilos ng pangulo laban sa political at illegal drug violence!

Inatasan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National and Regional Peace and Order Councils na tugunan ang mga karahasan kaugnay ng pulitika at kalakalan ng iligal na droga, na ito umanong pinaka-malaking banta sa peace and order ng bansa sa kasalukuyan.

Sa kauna-unahang Joint National Peace and Order Council and Regional Peace and Order Council meeting sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na pagkatapos ng eleksyon noong nakaraang taon ay halos sunod-sunod ang mga naitalang insidente ng karahasan kaya’t nagdulot ito ng pangamba sa publiko.

Sinabi ng Pangulo na nag-uugat ang gulo sa agawan ng teritoryo sa mga lugar na talamak ang droga.

Bukod dito, pinatututukan din sa Peace and Order Councils ang paglaban sa pagkalat ng illegal o loose firearms na maaaring magpalala ng karahasan.

Ang National Peace and Order Council ay pinamumunuan ng kalihim ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t, habang ang Regional Councils ay pinangungunahan ng local officials. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author