dzme1530.ph

Nasawing criminology student, tumanggap ng 60 palo ng paddle mula sa 20 fratmen sa loob ng dalawang oras na initiation rites

20 miyembro ang salit-salitang pumalo sa criminology student na si Ahldryn Leary Bravante, gamit ang paddles, sa initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity.

Kabilang sa mga pumalo ang dalawang suspek na kumanta sa mga imbestigador mula sa Quezon City Police District.

Sinampahan ng reklamo bunsod ng paglabag sa Anti-Hazing Act ang apat na fretmen na sina Kyle Michael de Castro, 21-anyos; Justine Artates, Lexer Manarpies at Mark Leo Andales, pawang 20-anyos.

Pinangalanan din ng dalawa sa kanila ang anim nilang brods at schoolmates sa Philippine College of Criminology (PCCR) na naging bahagi ng initiations.

Sinabi ni QCPD Director Police Brig. Gen. Red Maranan na humigit-kumulang 60 palo ang tumama sa katawan ng biktima sa loob ng dalawang oras na initiation rites. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author