dzme1530.ph

Higit 400 Pinoy, nailikas na mula sa sudan, Alert level 3, itinaas!

Umabot na sa higit 400 Pilipino ang nailikas mula sa Sudan sa gitna ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at Rapid Support Forces (RSF).

Ayon kay Dept. of Foreign Affairs Usec. Eduardo Jose de Vega, karagdagang 350 Pinoy ang inevacuate nila na lulan ng pitong bus patungo sa border ng Egypt.

Maliban ito sa 51 Pilipino na inilikas ng ahensya sa Sudan noong isang araw, na unang batch na nakatakdang i-repatriate.

Samantala, sinabi ni de Vega na itinaas na sa Alert level 3 ng Philippine Embassy sa Egypt ang sitwasyon sa Sudan, na kung saan ay kailangan ang boluntaryong paglikas dahil sa karahasan na kumitil sa buhay ng mahigit 500 indibidwal.

About The Author