dzme1530.ph

Napoles, mananatili sa bilangguan sa loob ng 57-taon

Mananatiling nakakulong nang hanggang 54–years pa ang inabsuweltong si Janet Lim-Napoles matapos itong hatulan ng 2nd Division ng Sandigambayan na Guilty sa dalawang bilang ng Graft at isa pang dalawang bilang ng Malversation of Public Funds sa ilalim ng Article 217 ng Revised Penal Code.

Ang hatol ay batay sa umano ay maling paggamit ng P15.36-M halaga ng PDAF ng yumaong dating kinatawan ng Davao del Sur 1st District na si Douglas Cagas.

Hinatulan kasama ni Napoles ang mga dating opisyal ng Technology Resource Center na sina Belina Concepcion at Maria Rosalinda Lacsamana gayundin sina Mylene Encarnacion at Evelyn de Leon na makukulong nang 6 hanggang 10 taon para sa bawat bilang ng Graft offense at 12 hanggang 17 taon para sa bawat bilang ng Malversation offense.

Magkakatuwang din silang magbabayad ng danyos sa gobyerno ng P7.68-M, katumbas ng halagang napag-alamang iligal na ibinayad. —sa panulat ni Ronnie Ramos

About The Author