dzme1530.ph

NAPOLCOM kay PBBM: Tanggapin ang courtesy resignations ng 2 pol. gen. at 2 col. ng PNP

Inirekomenda ng National Police Commission (NAPOLCOM) kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tanggapin ang courtesy resignations ng dalawang police generals at dalawang colonels habang isinasailalim pa sa mas masusing imbestigasyon ang 32 iba pang mga opisyal.

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos, bukod sa pagtanggap sa courtesy resignations ng apat na police officials, inirekomenda rin ng NAPOLCOM na i-reject ng Pangulo ang resignations ng 917 officers.

Nilinaw ni Abalos na ang pagtanggap sa resignations ng apat na police officials ay hindi nangangahulugan na ligtas na ang mga ito sa anumang pananagutan.

Matatandaan na noong April 24, kinasuhan sa NAPOLCOM ng noo’y PNP Chief na si Retired General Rodolfo Azurin Jr. ang apat na hindi pinangalanang mga opisyal ng Grave Misconduct at Neglect of Duty. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author