Plano ng National Power Corporation (NAPOCOR) na mangutang ng P10-B mula sa LandBank of the Philippines upang manatiling tumatakbo ang kanilang Small Power utilities group sa harap ng mataas na presyo ng diesel.
Sinabi ni NAPOCOR President Fernando Martin Roxas na balak nilang dagdagan ang utang sa LandBank, bukod sa P5-B na una na nilang hiniram.
Umaasa si Roxas na matatanggap nila ang loan sa Agosto o Setyembre ngayong taon.
Siniserbisyuhan ng NAPOCOR ang mga liblib na lugar na hindi konektado sa grid sa pamamagitan ng Small Power Utilities Group, na ino-operate sa pamamagitan ng diesel power plants.
Sa pagtaya ni Roxas, sapat na ang P10-B pondo para sa fuel requirements ng NAPOCOR para sa buong 2023.