dzme1530.ph

Naoya Inoue, napasakamay na ang WBC at WBO World Super Bantamweight Titles

Isa nang ganap na Four-Division World Champion si Naoya Inoue ng Japan makaraang pabagsakin sa Eight-Round Technical KnockOut si Stephen Fulton para masungkit ang WBC at WBO World Super Bantamweight titles.

Sa pagsisimula ng laban na ginanap kagabi, July 25, sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan, ipinakita ni Inoue ang kaniyang istilo sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga ibinabato niyang suntok kay Fulton.

Sa Round 5 ng bakbakan, tumama sa pambato ng Japan ang right straight jab ni Fulton at itinuring itong best round ng laban.

Hindi naman nagpa-awat si Inoue at nagpamalas muli ito ng husay sa Round 6 kung saan magkakasunod na suntok ang tumama sa Amerikanong boksingero.

Sa Round 8, na-corner ni Inoue si Fulton matapos ang kaniyang binitawang kanang suntok na sinundan ng left hook na nagpabagsak sa kalaban. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author