dzme1530.ph

Nanay ng teenager na napaslang ng mga pulis sa Navotas, uuwi sa bansa makaraang humingi ng tulong sa DMW

Nakatakdang bumalik sa Pilipinas mula sa Qatar ang nanay ng 17-anyos na binatilyo na si Jehrode Jemboy Baltazar na napaslang ng mga pulis sa Navotas, matapos humingi ng tulong mula sa Department of Migrant Workers.

Sa liham na ipinadala kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni DMW Officer-in-Charge Bernard Olalia na nasa DMW Office sa Doha si Rodaliza Baltazar at naghihintay ng kanyang flight pauwi sa bansa.

Nabatid na si Rodaliza ay tumakas mula sa kanyang employer noong 2022 at nagpalipat-lipat ng trabaho habang nagtatago sa Qatari Authorities.

Ayon kay Olalia, ang DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay magbibigay ng P100,000 na financial assistance at sasagutin din ang repatriation ng ginang, maging ang gastos sa burol at pagpapalibing sa kanyang anak. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author