dzme1530.ph

Nakatakdang pag-uusap nina PBBM, US Pres. Biden, magpapasigla lalo sa long-term bilateral relations ng Pilipinas at Amerika —House Speaker

Optomistiko si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa meeting nina Pang. Bongbong Marcos, Jr. at US Pres. Joe Biden.

Kumpiyansa si Romualdez na may malaking dibidendo para sa bansa ang pag-uusap ng dalawang lider partikular sa larangan ng seguridad at ekonomiya.

Una nang nailatag ng presidential cousin ang diplomatic blitz at groundwork sa pag-uusap ng 2 lider, matapos nitong makadaupang palad ang pinuno ng US Congress.

Tiwala si Romualdez na matapos ang meeting, mas lalong sisigla ang long-term bilateral relations ng Pilipinas at Amerika.

Ayon sa US State Department, ang historic visit ni Marcos ay timing para i-reaffirm ni Pres. Biden ang “US ironclad commitment” sa Pilipinas sa usapin ng siguridad.

Para kay Marcos, kanya umanong imumungkahe ang “review at assessment” sa 70-year Mutual Defense Treaty na dapat mag-evolve sa emerging geopolitical realities, lalo na sa Indonesia-Pacific region. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author