dzme1530.ph

Naka-ambang P3 pagbaba sa presyo ng diesel, ikinalugod ng isang transport group

Ikinalugod ng isang grupo ng transportasyon ang naka-ambang pagbaba sa presyo ng diesel ng P3 kada litro bukas, Nob.14.

Ayon kay Pasang Masda National President Robert Martin, ito ay magdadagdag ng P120 kada araw sa kita ng mga tsuper.

Bagaman inaasahan ang malaking rollback sa presyo ng diesel, hindi pa rin aniya maaaring tanggalin ang piso o 1 peso provisional increase sa jeepney dahil kailangan munang umabot sa P57 kada litro ang presyo nito sa loob ng mahabang panahon.

Giit ni Martin na dapat munang ma-stabilize at hindi seasonal na taas-baba ang presyo ng naturang langis. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author